Mga Habilin Ni Jesus Bago Umakyat Ng Langit

1) PREACH

IPANGARAL ang Magandang Balita sa lahat ng tao.

(AB’1978) Mar. 16:15: “At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong IPANGARAL ang EVANGELIO sa lahat ng kinapal.”

(ASND) Mar. 16:15: “Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at IPANGARAL ninyo ang MAGANDANG BALITA sa LAHAT NG TAO.”

1.a) Kailangang maunawaan nila ano ang sinasabi ng Kasulatan.

(AB’1978) Lu. 24:45: “Nang magkagayo’y BINUKSAN niya ang kanilang mga PAGIISIP, upang MAPAGUNAWA nila ang mga KASULATAN;

1.b) Na kailangang matupad ang lahat ng mga propesiya at ang mga sinulat ni Moses tungkol kay Kristo.

(AB’1978) Lu. 24:44: “At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako’y sumasa inyo pa, na KINAKAILANGANG MATUPAD ang LAHAT ng mga bagay na NANGASUSULAT TUNGKOL SA AKIN sa KAUTUSAN NI MOISES, at sa mga PROPETA, at sa mga AWIT.”

(ASND) Juan 5:46: “Dahil kung totoong naniniwala kayo kay Moises, maniniwala rin kayo sa akin, dahil SI MOISES MISMO ay SUMULAT TUNGKOL SA AKIN.”

1.c) Na kailangang magdusa, mamatay at mabuhay na muli ang Kristo.

(AB’1978) Lu. 24:46: “At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na KINAKAILANGANG MAGHIRAP ANG CRISTO, at MAGBANGONG MULI sa mga patay sa IKATLONG ARAW;”

1.d) Na sa kanyang Pangalan lamang ipapangaral ang pagsisisi at pagpapatawad ng Diyos.

(AB’1978) Lu. 24:47: “At IPANGARAL sa KANIYANG PANGALAN ang PAGSISISI at PAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN sa LAHAT ng mga BANSA, magbuhat sa Jerusalem.”

1.e) Na ang mga nakarinig ng Magandang Balita ay mga saksi na natupad ang propesiya tungkol kay Kristo.

(AB’1978) Lu. 24:48: “KAYO’Y MGA SAKSI ng mga bagay na ito.”

2) TEACH

ITURO at SUNDIN ang mga inuutos ni Kristo dahil nasa kanya lahat ng kapamahalaan.

(AB’1978) Mateo 28:18: “At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang LAHAT NG KAPAMAHALAAN sa langit at sa ibabaw ng lupa ay NAIBIGAY NA SA AKIN.”

(ASND) Mateo 28:18: “Lumapit sa kanila si Jesus at sinabi, “Ibinigay sa akin ang LAHAT ng KAPANGYARIHAN sa LANGIT at sa LUPA.”

(AB’1978) Mateo 28:19-20: “Dahil dito MAGSIYAON nga KAYO, at GAWIN NINYONG MGA ALAGAD ang LAHAT ng mga BANSA, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ITURO ninyo sa kanila na kanilang GANAPIN ANG LAHAT ng mga bagay na INIUTOS ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.”

(ASND) Mateo 28:19-20: “Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. TURUAN NINYO SILANG SUMUNOD sa LAHAT NG INIUTOS KO sa inyo. At tandaan ninyo: lagi ninyo akong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.””

2.a) Sundin ang utos patungkol sa pagbautismo

(AB’1978) Marcos 16:16: “Ang SUMASAMPALATAYA AT MABAUTISMUHAN ay MALILIGTAS; datapuwa’t ang HINDI SUMASAMPALATAYA ay PARURUSAHAN.”

(AB’1978) Mateo 28:19: “Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na SILA’Y INYONG BAUTISMUHAN sa PANGALAN ng AMA at ng ANAK at ng ESPIRITU SANTO:”

3. HOLY SPIRIT’S POWER

(ASND) Lucas 24:49: “ISUSUGO KO sa inyo ang BANAL NA ESPIRITUNG IPINANGAKO ng AMA, kaya manatili muna kayo rito sa Jerusalem hanggang sa dumating sa inyo ang KAPANGYARIHAN MULA SA LANGIT.””

3.1) Kaloob ng Banal na Spiritu

(ASND) Marcos 16:17: “At ito ang mga PALATANDAANG MAKIKITA sa mga TAONG SUMASAMPALATAYA SA AKIN: sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, magpapalayas sila ng masasamang espiritu; magsasalita sila sa ibang mga wika;”

(AB’1978) Marcos 16:17: “At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: MANGAGPAPALABAS sila ng mga DEMONIO sa AKING PANGALAN; MANGAGSASALITA sila ng mga BAGONG WIKA;”

(AB’1978) Marcos 16:18: “Sila’y MAGSISIHAWAK ng mga AHAS, at kung MAGSIINOM sila ng bagay na MAKAMAMATAY, sa anomang paraan ay HINDI MAKASASAMA sa KANILA; IPAPATONG nila ang kanilang mga KAMAY sa mga MAY-SAKIT, at sila’y MAGSISIGALING.”

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started