1) Kamatayan Sa Pagkakasala At Bagong Buhay Kay Kristo
(ASND) Roma 6:1-7: “Ano ngayon ang masasabi natin? Magpapatuloy ba tayo sa kasalanan para lalong madagdagan ang biyaya ng Dios sa atin? Aba, hindi maaari! Hindi maaari na magpatuloy pa tayo sa pagkakasala dahil ang KASALANAN ay WALA NG KAPANGYARIHAN SA ATIN. Hindi ba ninyo alam na noong BINAUTISMUHAN TAYO KAY JESU-CRISTO, nangangahulugan ito na KASAMA TAYO SA KANYANG KAMATAYAN? Kaya noong binautismuhan tayo, NAMATAY TAYO AT INILIBING NA KASAMA NIYA. Kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, TAYO RIN AY MAMUHAY SA BAGONG BUHAY. At kung nakasama tayo sa kanyang kamatayan, tiyak na mabubuhay tayong muli tulad ng muli niyang pagkabuhay. Alam natin na ang DATI NATING PAGKATAO ay IPINAKO NA SA KRUS KASAMA NI CRISTO PARA MAMATAY, kaya HINDI NA TAYO DAPAT ALIPININ PA NG KASALANAN. Sapagkat ang TAONG PATAY NA ay MALAYA NA SA KASALANAN.”
2) Ibinihis si Kristo
(AB’1978) Galacia 3:26-27: “Sapagka’t kayong lahat ay mga anak ng dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus. Sapagka’t ang lahat na sa inyo ay BINAUTISMUHAN KAY CRISTO ay IBINIHIS SI CRISTO.”
(ASND) Galacia 3:27: “Sapagkat BINAUTISMUHAN KAYO sa PAKIKIPAG-ISA NINYO KAY CRISTO at NAMUMUHAY KAYONG KATULAD NIYA.”
3) Paghiling Sa Diyos Ng Malinis Na Budhi
(AB’1978) 1 Pedro 3:21: “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa PAGHILING NG ISANG MABUTING BUDHI SA DIOS, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni JesuCristo;”
(ASND) 1 Pedro 3:21: “Ang tubig na itoʼy larawan ng bautismong nagliligtas sa atin sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Hindi ito paghuhugas ng dumi sa katawan, kundi PANGAKO NATIN SA DIOS na HINDI NA TAYO GAGAWA ng ANUMANG BAGAY na ALAM NATING LABAG SA KALOOBAN NIYA.”
4) Bautismo Tungo Sa Iisang Katawan
(AB’1978) 1 Corinto 12:12-13: “Sapagka’t kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama’t marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo. Sapagka’t sa isang Espiritu ay BINABAUTISMUHAN TAYONG LAHAT SA ISANG KATAWAN, MAGING TAYO’Y JUDIO O GRIEGO, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.”
(ASND) 1 Corinto 12:12-13: “Ang katawan ng tao ay binubuo ng maraming parte, ngunit iisa pa ring katawan. Ganoon din sa ating mga mananampalataya na siyang katawan ni Cristo. Tayong lahat, Judio man o hindi, alipin o malaya ay NABAUTISMUHAN SA IISANG ESPIRITU UPANG MAGING ISANG KATAWAN. At iisang Espiritu rin ang tinanggap nating lahat.”
5) Pinag Uugnay Ng Iisang Espiritu
(AB’1978) 1 Corinto 12:13-15: “Sapagka’t sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo’y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at TAYONG LAHAT AY PINAINOM SA ISANG ESPIRITU. Sapagka’t ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami. Kung sasabihin ng paa, Sapagka’t hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito’y hindi sa katawan.”
(ASND) 1 Corinto 12:13-15: “Tayong lahat, Judio man o hindi, alipin o malaya ay nabautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. AT IISANG ESPIRITU RIN ANG TINANGGAP NATING LAHAT. Ang katawan ay binubuo ng maraming parte at hindi ng isang parte lamang. Kaya kung sabihin ng paa, “Dahil hindi ako kamay, hindi ako parte ng katawan,” hindi ito nangangahulugang hindi siya parte ng katawan.”
(ASND) Efeso 4:4-5: “Sapagkat IISANG KATAWAN LAMANG TAYO na may IISANG BANAL NA ESPIRITU, at IISA RIN ANG PAG-ASANG ibinigay sa atin nang tawagin tayo ng Dios. IISA ANG PANGINOON natin, IISANG PANANAMPALATAYA, at IISANG BAUTISMO.
(ASND) Efeso 4:4-5: IISA ANG DIOS natin at siya ang AMA NATING LAHAT. NAGHAHARI SIYA, kumikilos at NANANAHAN SA ATING LAHAT.”
(AB’1978) Efeso 4:6: “Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang SUMASA IBABAW SA LAHAT, at SUMASA LAHAT, at NASA LAHAT.”