Bakit Ang Diyos Ay Nagtatanung?

Kapag ang Diyos ay nagtatanung sa atin, tayo ay nag iisip, at tinutulungan tayong siyasatin ang ating puso ng tapat dahil hindi tayo makakapagsinungaling sa Diyos. Sya ay hindi agad nagagalit at hindi madaling humuhusga. Pero kapag sya ay nagtatanung sa atin, gusto Nyang makita natin kung Sya ba ang nais ng ating puso o ibang bagay. Nilalantad Nya sa atin ang kalooban ng ating puso sa pamamagitan ng pagtatanung. Ito ay isa sa mga paraan Nya ng pagtatama. Isang napaka banayad at mabait na paraan ng pagsuway ng isang Ama.

Ang Diyos, si Adan at Eva

(ASND) Genesis 3:8-13: “Pagdating ng hapon, narinig nila na lumalakad ang PANGINOONG Dios sa halamanan. Kaya nagtago sila sa mga puno doon. Pero tinawag ng PANGINOONG Dios ang lalaki, “NASAAN KA?” Sumagot ang lalaki, “Narinig ko po kayo sa halamanan, kaya nagtago ako. Natatakot po ako dahil hubad ako.” Nagtanong ang PANGINOONG Dios, “SINO ANG NAGSABI SA IYO NA HUBAD KA? KUMAIN KA BA NG BUNGA NG PUNONGKAHOY NA SINABI KO SA IYO NA HUWAG NINYONG KAKAININ?” Sumagot ang lalaki, “Ang babae po kasi na ibinigay nʼyo sa akin ay binigyan ako ng bunga ng punongkahoy na iyon at kinain ko.” Tinanong ng PANGINOONG Dios ang babae, “BAKIT MO GINAWA IYON?” Sumagot ang babae, “Nilinlang po kasi ako ng ahas, kaya kumain po ako.””

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started