Kahalagahan Ng Pagpapahayag Ng Kasalanan Sa Diyos Araw Araw (Confession of Sins)

1) Walang Matuwid Sa Paningin Ng Diyos.

(ASND) Roma 3:9-11: “ang LAHAT NG TAO ay MAKASALANAN
Ano ngayon ang masasabi natin? Na tayo bang mga Judio ay talagang nakakalamang sa mga hindi Judio? Hindi! Sapagkat ipinaliwanag ko na, na ang lahat ng tao ay makasalanan, Judio man o hindi. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “WALANG MATUWID sa paningin ng Dios, WALA KAHIT ISA. WALANG NAKAKAUNAWA tungkol SA DIOS, WALANG NAGSISIKAP NA MAKILALA SIYA.”

(AB’1978) Roma 3:11: “Walang nakatatalastas, WALANG HUMAHANAP SA DIOS;”

2) Ang Makasalanan Ay Tinuturing Ng Diyos Na May Sakit Spiritual Kaya Ito Ang Hanap Nya Araw Araw Para Pagalingin.

(AB’1978) Marcos 2:15-17: “At nangyari, na siya’y nakaupo sa pagkain sa kaniyang bahay, at maraming maniningil ng buwis at mga makasalanang nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad: sapagka’t sila’y marami, at sila’y nagsisunod sa kaniya. At nang makita ng mga eskriba at mga Fariseo, na siya’y KUMAKAING KASALO NG MGA MAKASALANAN at ng mga maniningil ng buwis, ay nagsipagsabi sa kaniyang mga alagad, Ano ito na siya’y kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan? At nang ito’y marinig ni Jesus, ay sinabi niya sa kanila, HINDI NANGANGAILANGAN NG MANGGAGAMOT ANG MGA WALANG SAKIT, KUNDI ANG MGA MAYSAKIT: HINDI AKO NAPARITO upang tumawag ng mga MATUWID, KUNDI ng mga MAKASALANAN.”

3) Lahat Ng Gawain Ng Tao, Lantad Man o Hayag, Ay Sinusulat Sa Aklat Ng Buhay. Kaya Laging May Nagbabantay Ng Ating Mga Ginagawa.

(ASND) Pahayag 20:12: “At nakita ko ang mga namatay, tanyag at hindi, na nakatayo sa harap ng trono. BINUKSAN ANG MGA AKLAT, pati na ang AKLAT NA LISTAHAN NG MGA TAONG BINIGYAN NG BUHAY NA WALANG HANGGAN. At ang BAWAT ISA sa kanila ay HINATULAN AYON SA GINAWA NILA na NAKASULAT sa mga AKLAT na iyon.”

(ASND) Exodus 32:30-31: “Nang sumunod na araw, sinabi ni Moises sa mga tao, “Nakagawa kayo ng MALAKING KASALANAN. Pero aakyat ako ngayon sa bundok, doon sa PANGINOON; BAKA MATULUNGAN KO KAYONG MAPATAWAD sa inyong mga kasalanan.” Kaya bumalik si Moises sa PANGINOON at sinabi, “ O PANGINOON, malaking kasalanan po ang nagawa ng mga taong ito. Gumawa sila ng dios na ginto.”

(ASND) Exodus 32:32: “Pero ngayon, PATAWARIN NʼYO PO SILA sa kanilang mga kasalanan. Kung hindi ninyo sila mapapatawad, burahin na lang ninyo ang aking pangalan sa AKLAT na sinulatan nʼyo ng PANGALAN NG INYONG MGA MAMAMAYAN.””

(AB’1978) Exodo 32:32: “Gayon ma’y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan —; at kung hindi, ay alisin mo ako, Isinasamo ko sa iyo, sa iyong AKLAT NA SINULAT MO.”

(ASND) Exodus 32:33: “Sumagot ang PANGINOON kay Moises, “KUNG SINO ANG NAGKASALA SA AKIN, ang PANGALAN NIYA ang BUBURAHIN KO SA AKLAT KO.

4) Ipahayag Ang Kasalanan Sa Presensya Ng Diyos Bilang Pagpapakumbaba At Pagsisisi.

(ASND) Juan 3:21: “Ngunit ang NAMUMUHAY SA KATOTOHANAN ay LUMALAPIT SA LIWANAG, upang malaman ng LAHAT na ang MABUBUTI NIYANG GAWA ay NAGAWA NIYA sa TULONG NG DIOS.””

(AB’1978) 1 Juan 1:9: “Kung IPINAHAHAYAG natin ang ating mga KASALANAN, ay TAPAT at BANAL SIYA na TAYO’Y PATATAWARIN sa ating mga KASALANAN, at tayo’y LILINISIN sa LAHAT ng KALIKUAN.”

(AB’1978) 1 Juan 1:10: “Kung sinasabi nating TAYO’Y HINDI NANGAGKASALA, ay ating GINAGAWANG SINUNGALING SIYA, at ang KANIYANG SALITA ay WALA SA ATIN.”

(ASND) 1 Juan 1:10: “Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, GINAGAWA NATING SINUNGALING ANG DIOS, at wala sa atin ang kanyang salita.”

4) Ang Diyos Ay Nananahan Sa Mga Nagsisisi At Palaging Nagpapakumbaba.

(AB’1978) Isaias 57:15: “Sapagka’t ganito ang SABI NG MATAAS at MATAYOG na TUMATAHAN SA WALANG HANGGAN, na ang PANGALAN AY BANAL; AKO’Y TUMATAHAN sa mataas at banal na dako na KASAMA RIN NIYA na MAY PAGSISISI at PAGPAPAKUMBABANG-LOOB, upang BUMUHAY ng LOOB ng NAGPAPAKUMBABA, at upang BUMUHAY ng PUSO ng NAGSISISI.”

(ASND) Isaias 57:15: “Ito pa ang SINASABI ng KATAAS-TAASANG DIOS, ang BANAL NA DIOS na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, pero NAKATIRA RIN AKONG KASAMA ng mga TAONG MAPAGPAKUMBABA at NAGSISISI, para silaʼy PALAKASIN ko.”

5) Hindi Makikipagtalo Kailanman Ang Diyos Sa Tao Upang Mabuhay Ang Kaluluwang Nilikha Nya.

(AB’1978) Isaias 57:16: “Sapagka’t HINDI AKO MAKIKIPAGTALO MAGPAKAILAN MAN, o MAPOPOOT MAN AKONG LAGI; sapagka’t ang DIWA AY MANGLULUPAYPAY sa harap ko, at ang mga KALULUWA na aking ginawa.”

(ASND) Isaias 57:16: “Ang totoo, HINDI ko kayo KAKALABANIN o UUSIGIN HABANG PANAHON, dahil kung gagawin ko ito MAMAMATAY ANG MGA TAONG NILIKHA KO.”

6) Pangako Nyang Hindi Na Maaalala Pa Ang Ating Mga Kasalanan.

(ASND) Jeremias 31:34: “Hindi na nila kailangan pang turuan ang mga kababayan o kapatid nila na kilalanin ang Panginoon. Sapagkat KIKILALANIN NILA AKONG LAHAT, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila. Sapagkat PATATAWARIN ko ang KASAMAAN NILA at LILIMUTIN ko na ang mga KASALANAN NILA.””

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started