Ang Kahulugan At Kahalagahan Ng PANGALAN Ng Anak Ng Diyos.

1) Ang Kanyang Pangalan Ay Kaligtasan.

(AB’1978) Mateo 1:21: “At siya’y manganganak ng isang lalake; at ang PANGALANG itatawag mo sa kaniya’y JESUS; sapagka’t ILILIGTAS niya ang kaniyang BAYAN sa kanilang mga KASALANAN.”

2) Sa Kanyang Pangalan Lamang Ipapangaral Ang Pagsisisi At Pagpapatawad Ng Mga Kasalanan Dahil Siya Lang Ang Namatay At Nabuhay Na Muli..

(AB’1978) Lucas 24:47: “At IPANGARAL sa KANIYANG PANGALAN ang PAGSISISI at PAGPAPATAWAD ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.”

3) Sa Kanyang Pangalan Lahat Ng Katuwiran At Kabanalan.

(ASND) Mateo 28:19: “Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod ko. BAUTISMUHAN ninyo sila sa PANGALAN ng AMA at ng ANAK at ng BANAL NA ESPIRITU.”

(AB’1978) Isaias 57:15: “Sapagka’t ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang PANGALAN AY BANAL; Ako’y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang BUMUHAY ng LOOB ng NAGPAPAKUMBABA, at upang BUMUHAY ng PUSO ng NAGSISISI.”

4) Sa Kanyang Pangalan Gagawin Nya Tayong Mga Anak Ng Diyos.

(AB’1978) Lucas 1:31-32: “At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang PANGALANG JESUS. Siya’y MAGIGING DAKILA, at TATAWAGING ANAK NG KATAASTAASAN: at sa kaniya’y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:”

(AB’1978) Juan 1:12-13: “Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng KARAPATANG MAGING MGA ANAK NG DIOS, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa KANIYANG PANGALAN: Na mga IPINANGANAK na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, KUNDI NG DIOS.”

5) Hahatulan Ang Mga Hindi Sasampalataya Sa Kanyang Pangalan.

(AB’1978) Juan 3:18: “Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay HINATULAN NA, sapagka’t HINDI siya SUMAMPALATAYA sa PANGALAN ng BUGTONG na ANAK NG DIOS.”

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started