Kailangan Bang I-fiesta Ang Ibang Mga Nilalang Or Mga Saints?

Merong tinatawag na 7 Feasts of the Lord. Lahat ito ay patungkol kay Kristo. At hindi kalooban ng Diyos na i-fiesta ang ibang nilalang, tao man o hayop.

Utos ng Diyos na ipagdiwang ang mga piestang ito nuon. Pero ngaun na tinupad na ng messiah ang propesiya patungkol sa kaligtasan, ang kalooban ng Diyos ngayon ay luwalhatiin ang Panginoon sa ating buhay.

Kumuha ako ng picture sa internet dahil mahirap iexplain sa text.kahit man lang sa picture magkaron kau ng idea..

7 FEASTS OF THE LORD

1) PASSOVER – Paglagpas ng Angel of Death sa mga bahay ng may dugo ng tupa.

(ASND) Deuteronomio 16:1
“Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa buwan ng Abib bilang pagpaparangal sa PANGINOON na inyong Dios, dahil sa buwan na itoʼy inilabas niya kayo nang gabi sa Egipto.”

BAGONG KASUNDUAN

BLOOD SACRIFICE OF THE LAMB OF GOD

(ASND) 1 Pedro 1:18: “Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak,”

(ASND) 1 Pedro 1:19: “kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Dios.”

(ASND) 1 Pedro 1:20: “Bago pa likhain ang mundo, pinili na ng Dios si Cristo para maging Tagapagligtas natin. At ipinahayag siya ng Dios nitong mga huling araw alang-alang sa inyo.”

2) UNLEAVENED BREAD – Pagkain ng tinapay na walang libadura. Paglinis ng mga kasalanan.

(ASND) Exodus 12:17: ““Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, dahil magpapaalala ito sa inyo ng araw na inilabas ko ang bawat lahi ninyo mula sa Egipto. Ipagdiwang ninyo ito magpakailanman bilang tuntunin na dapat sundin hanggang sa mga susunod pang henerasyon.”

BAGONG KASUNDUAN

SALVATION OF HIS PEOPLE FROM SIN AND DEATH BECAUSE OF THE OLD LAW

(ASND) Colosas 2:14: “May pananagutan dapat tayo sa Dios dahil hindi natin matupad ang Kautusan. Pero inalis ito ng Dios sa pamamagitan ng pagkapako ni Cristo sa krus. Kaya hindi na tayo parurusahan.”

(ASND) 1 Corinto 15:55: ““Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan na ang iyong kapangyarihan?””

(ASND) 1 Corinto 15:56: “May kapangyarihan lamang ang kamatayan sa atin dahil sa kasalanan, at may kapangyarihan ang kasalanan sa atin dahil mayroong Kautusan.”

3) FIRST FRUIT – Unang Ani para sa Panginoon

(ASND) Leviticus 23:9: “Kapag naroon na kayo sa lupaing ibibigay sa inyo ng PANGINOON, ihandog ninyo sa kanya ang unang bigkis ng bawat ani. Dalhin ninyo ito sa pari sa susunod na araw pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga. Itataas ito ng pari sa PANGINOON para tanggapin kayo ng PANGINOON sa pamamagitan nito.”

BAGONG KASUNDUAN

– Resurrection of Jesus Christ

(ASND) Juan 12:24: “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang mamatay ang isang butil ng trigong itinanim sa lupa, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, tutubo ito at mamumunga nang marami.”

(ASND) 1 Corinto 15:19-23: “Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay hanggang sa buhay na ito lamang, tayo ang pinakakawawa sa lahat ng tao. Ngunit ang totoo, muling nabuhay si Cristo bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Dahil sa isang tao na si Adan, dumating ang kamatayan sa lahat ng tao. At dahil din sa isang tao na si Cristo, muling mabubuhay ang mga patay. Sapagkat kung paanong tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan, ganoon din naman, dahil sa ating kaugnayan kay Cristo, tayong lahat ay muling mabubuhay. Ngunit may kanya-kanyang takdang panahon ang muling pagkabuhay. Unang nabuhay si Cristo; pagkatapos, ang mga nakay Cristo naman ang bubuhayin pagbalik niya rito sa mundo.”

4) PENTECOST – Feast of the week

(AB’1978) Deuteronomio 16:10: “At iyong ipagdidiwang ang kapistahan ng mga sanglinggo sa Panginoon mong Dios na may dulot ng kusang handog ng iyong kamay, na iyong ibibigay, ayon sa ipinagpala sa iyo ng Panginoon mong Dios:”

(AB’1978) Deuteronomio 16:16: “Makaitlo sa isang taon na ang iyong mga lalake ay magsisiharap sa Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin; sa kapistahan ng tinapay na walang lebadura, at sa kapistahan ng mga sanglinggo, at sa kapistahan ng mga tabernakulo: at huwag silang haharap na walang dala sa Panginoon:”

(ASND) Leviticus 23:15: “Pagkatapos ng pitong linggo mula sa araw na kayoʼy naghandog ng mga ibinigkis na ani, muli kayong magtipon at mag-alay ng handog ng pagpaparangal mula sa mga ibinigkis ng unang ani ninyo. Itoʼy sa ika-50 araw, ang araw pagkatapos ng ikapitong Araw ng Pamamahinga. Ang inyong ihahandog ay dalawang tinapay na bawat isa ay gawa sa apat na kilo ng magandang klaseng harina na may pampaalsa. Ihandog ninyo ito bilang handog na itinataas, mula sa inyong unang ani.”

BAGONG KASUNDUAN

5) TRUMPETS

6) DAY OF ATONEMENT – pagtubos sa kaluluwa at kabayaran sa kasalanan

7) THE TABERNACLES

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started